Ano ba talaga?
by Ren Concha
Mahirap makipagsapalaran sa larangan ng pag-ibig.
by Ren Concha
Mahirap makipagsapalaran sa larangan ng pag-ibig.
Maraming hindi inaasahan, hindi rin maiaalis ang masaktan.
minsan puno ng panaghoy, minsan puno ng saya
ngunit konti lang ang pinalad, nakahihigit parin ang nabibigo.
May mga nararamdamang hindi maipaliwanag,
hindi rin maisiwalat.
Bawat sandali ay puno ng mysterio
Tila ba'y nababalot ng majika.
Hindi maipaliwanag ang ganda ng ngiti kapag kayo na
hindi rin maipintang mukha kapag naghiwalay na.
Samu't saring katanungan ang bumabagabag
Tulirong tuliro sa buhay
Ano ba talaga
Minsan kasi mas mahal ni babae si lalaki
Minsan din mas mahal ni lalaki si babae
Bakit hnd pwedeng parehas ng gramo ng pagmamahal
Wala ng mas pa o nakalalamang
Ang hirap eh, magulo talaga eh
Hinagpis nalang dahil kulang ang salita
Nakakabwisit, nakakainis
Bakit hindi pwede maging pantay
Kailangan pa kasi mawalan ng gana
Bat pa kasi may pustahan pa ng paramihan ng minahal eh
Bat pa kasi may singit na third party kung minsan
Nakakairita sa pakiramdam
Lalo na kapag first time mong magmahal
Hindi mo alam kung anong tawag sa pakiramdam na yun
Kapag ipinapaliwanag sa salita
Parang nasa bingit ka ng hiwalayan
Desperado ka na buhayin ang namamatay na apoy
Lahat ng effort gagawin mo
Magbubulag bulagan sa sakit ng paso na natatamo
Mapasiklab lang muli ang apoy na naglalaho na
Minsan napapagod na
pero paggising hala sige sa parin sa pagsuyo
ngunit dati naman ikaw ang laging sinusuyo
sakto talaga ung kantang 'Tunay na mahal'
try mo pakinggan
minsan naiisip na maghanap nalang ng iba
pero kasi natatakot makarma
kaya wag nalang
hala sige nalang sa pagpapakatanga
umaasa nalang dumating si prince charming
pero umaasa din na bigla siyang magbago
at hilahin ang kamay ko
at suotan ng singsing
nakakatakot talaga ang pag-ibig
san san dinadala ang imahinasyon mo
kani kanino nalang binibigay ang puso mo.
bigla nalang din, sanhi ng kamatayan mo
hays tama na nga
baka tamarin na ang mambabasa