Nahalungkat sa Net - 2nd
Dito ko na lang sasabihin. Magkukubli na lamang ako sa likod mga salita. Mga salitang saksi ng bawat sakit at kabiguan. Mga salitang tanging nakakaalam na ang tapang na ipinakita ko ay balatkayo lang. Mga salitang katumbas ay luha.
Ang sabi mo kagabi babawi ka. Naghintay ako. Walang ibang laman ang isip ko buong maghapon kundi ikaw. Hanggang sa mga sandaling ito ay naghihintay ako na magparamdam ka. Ngunit sadya nga talagang kinalimutan mo na ako. Ano nga lang ba ako para sa'yo? Isang dakilang nagmamahal lang. Kahit pa sasabihin kong hindi ako humihingi ng kapalit, umaasam pa rin ako na susuklian mo ang pagmamahal ko para sa'yo.
Lalo lamang nadagdagan ang takot ko ngayong wala na ang dahilan upang manatili ka. Ang pinanghahawakan ko na lang ngayon ay ang pangako mo. Pero hindi ba, promises are meant to be broken? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nananahimik ngayon?
Kung aalis ka man sa buhay ko, magpaalam ka naman sana. Kasi masakit ang patuloy na umasa sa wala. Alam mo iyon. Minsan mo nang pinagdaanan iyon. Hindi ko nga alam kung paano mo nagagawang balewalain ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero siguro, hindi ako kasing-espesyal o kasing importante para sa'yo.
Nasasaktan ako ngayon. Umasa ako na dadamayan mo ako sa pinagdadaanan ko. Nais ko sanang marinig ang boses mo upang kahit paano ay gumaan man lang ang nararamdamang kong bigat ng dibdib ko pero wala ka. Siguro nga, kinalimutan mo na ako. Paano mo nagagawa iyon? Maaari mo ba akong turuan? Nang sa ganon ay makalimutan ko rin na nasasaktan ako dahil sa'yo.
-masakit nanaman.. Hindi ko lam kung nakakarelate ba ako. Pero hnd ko alam talaga. Masakit lang. Dama ko lang ung sakit nung nagsulat nito.. :'(
0 comments