Nahalungkat sa internet

by - Friday, March 25, 2011

Maari ba kitang yayain sa isang natatanging paglalakbay pabalik sa aking nakaraan? Isang yugto sa aking buhay kung kailan nagmahal din ako at nasaktan. Isang kahapong humubog sa kung sino at ano ako ngayon.

Nais kong ipakilala sa'yo ang aking sarili. Upang maintindihan mo na hindi ako dating ganito. Iniisip mo siguro na wala na akong ibang alam gawin kundi ang umiyak at maging mahina. Umaasa akong sa pagbabalik natin sa aking nakaraan ay makikita mong naging matapang din ako. Na hindi ako laging mahina. Na minsan ay nagtiwala din ako ng lubos ngunit ako ay nabigo. Na minsan ay ibinigay ko ang aking puso sa isang lalaki at umasa ako sa pangako niya.

Kung nakilala mo siguro ako noon at naitanong mo sa akin kung ano ang kahulugan ng salitang "forever", iisang pangalan lang ang isasagot ko sa'yo. Ang pangalan niya. Ngunit napagtanto kong ang "forever" pala ay hindi totoo. Minsan pa nga ay ginagamit lamang ang salitang ito upang magbigay ng isang pangakong walang katuparan. Walang katotohanan at walang kasiguraduhan.

Sana sa pagbabalik natin sa aking nakaraan ay naiintindihan mo na ako. Kung bakit ako ganito ngayon. Kung bakit natatakot akong mawala ka sa akin o kaya ay magsawa kang intindihin ang kakaibang takbo ng aking utak. Natatakot akong mapapagod ka sa paghihintay ng aking pagbabalik. Palagi akong insecure hindi dahil nagdududa ako sa pag-ibig mo, kundi dahil nagdududa ako sa kakayahan kong mapasaya ka. Sa lahat ng pinagdaanan ko, pag-ibig mo na lang ang natitirang magandang bagay sa buhay ko.

Hindi na ako naniniwala sa "forever" ngayon. Ang pinaniniwalaan ko na lang ay ang puso ko. Dahil palaging sinasabi nito na mahal kita. Madalas kumukontra ang isip ko pati na ang mga tao sa paligid ko. Pero hindi nadidiktahan ng sinuman ang bawat tibok at bawat pintig dahil lahat ng iyon ay para sa'yo na.

At kung tatanungin mo ako ngayon kung gaano kita kamahal. Iisa lang ang isasagot ko sa'yo. I love you more than all of me. More than every breath. More than every heartbeat. Umaasa akong ganon ka din. Sana.

- nalungkot ako nung binasa ko yan.. Hehe. Dama ko talaga ang sakit. Dama ko yung paghihirap. Dama ko yung pagmamahal. Maging ako umaasa 

You May Also Like

0 comments