Ngayong wala ka na
Ni Ren Concha
Ngayong wala ka na, sino na nga ba ako?
Ngayong wala ka na, nasaan na ako?
Ngayong wala ka na, ano pang silbi ko?
Ngayong wala ka na, ano pang dahilan para mabuhay ako?
Para kanino pa ba ang mga sinusulat ko?
Itong pag-ibig na alay ko?
Ang kantang aking ikinakanta?
Para kanino pa ba ang awit na taglay?
Ngayong wala ka, dapat pa ba akong umasa?
Dapat pa ba akong maghintay?
Ngayong wala ka, kaya ko ba maging masaya?
Kaya ko pa bang magmahal ng tunay?
Ngunit, bakit ngayon, pumapatak ang luha?
tumatangis ang aking dibdib?
nanginginig ang aking mga laman?
wala nang sigla ang aking kaluluwa?
bakit hindi na makuhang tumuwa pang muli?
hindi na maitago ang ramdam kong ikinukubli?
hindi na tumigil yaring luhang tangis ng pusong sawi?
hindi na makaundagaga sa kakadama ng mga atubili?
nasan ka na ba?
ngayo'y tingin ko'y lahat ng pangako'y naglaho!
nasan ka ba?
gayong mga sumpa nati'y nawalan lahat ng bisa!
nasan ka na ba?
ngayong lagapak ang aking katauhan!
bakit mo ko iniwang nag-iisa?
ni hindi na sumulat pa,
ni hindi na tumawag pa.
nakalimutan mo na nga ba?
mga hindi mapalitang tawanan nating dalwa?
mga hindi makalimutang iyakan nating dalwa?
hindi mo na nga ba matandaan?
iyong nadaramang init at tuwa kapag ika'y hinahalikan?
iyong nadaramang saya at galak kapag ika'y hinahagkan?
humuhupay na nga ba?
mga alaala nating dalawa?
ang pag-ibig na ating isinumpang walang wakas?
o iwinala na?
ng bago mong pag-ibig?
o sa simula't sapul pa lang,
balewala na ang lahat?
sa tingin mo ba'y magiging kaibigan pa?
para sa kin hindi na! tinapos mo na!
hindi na muli maibabalik pa!
dahil sa pagiging magkaibigan
hindi ka na akin!
hindi na kita mahahagkan!
hindi ko na mahahawakan ang mga kamay mo!
hindi ko na malalaro ang buhok mo!
sapagkat hindi ko ugaling magsinungaling sa sarili!
lalo na kapag ukol sayo ang aking nadaramang muli!
wala akong nais ikubli!
tandaan mong ikaw ang susi!
sa puso kong iyong iwinawaksi.
pagkatandaan mo, kapag ka'y umalis
ikaw na ang siyang pumaslang sa dating ako
sa yumaong masayahing nakilala mo, ng lahat
hindi na mababago, sapagkat nakaguhit na ito
sa nagitla kong katauhan na iyo ring inalipusta
sa ngalan ng iyong pag-ibig na iyong winakasan na.
0 comments