Nakalimutan na ba?
Aking napansin mga kabataan ngayong panahon
ay nalulunod na sa agos ng Pagmamahalan at hindi na nakita pa ang lupa sa kabila ng dagat.
Maraming kinabukasan ang nasira.
Maraming napariwara at naligaw ng landas.
Masasabi pa nga bang pagmamahalan ang naroon?
Ang naroon sa mga pagmamahalan na iyon ay sakit, pagdurusa,
pagpaparaya, kaligayahan, kalungkutan; parehas na parehas
na nadarama sa isang tunay na pagmamahalan.
Ngunit ang kaiba lang ay lumalaya
ang mga kaluluwa nito sa kanilang mga katawan
at lumilipad ito sa hangin at doon nagsasaya at nag-aaliw.
May kakaibang kulay silang matatanaw
at hindi ito maipaliwanag ng kanilang mga mata.
Makakapaghintay at may respeto sa isa't isa;
ang siyang mangingibaw sa isang relasyon.
Walang kamahan, walang galawan,
uunahin ang mga unang prayoridad,
ngunit iisa ang adhikain, iisa ang hangarin;
at laman sila ng mga pangarap ng isa't isa.
Magtinginan lamang ay malalaman na nila
ang nilalaman ng loob ng isa't isa.
Maghawak-kamay lamang ay kontento na.
Hindi nakakabaliw, hindi nakakaapi.
Tila nakakalimutan na ata nila ang totoong kahulugan
ng salitang "Mahal" o "Love".
Muli, hindi ito nagdudulot ng kasamaan at kasiraan.
Dala nito ang maliwanag na daan sa landas
ng dalawang taong nagmamahalan.
Sabay nilang babangayin at lalampasan
lahat ng balakid na darating.
Hindi ito nagwawakas at kailanman titigil.
Iyon ang katotohanan na laman ng mga salitang iyan.
Tila halos bulag na ang ilan o karamihan.
0 comments