just sharing a personal story

by - Thursday, November 25, 2010


Malapit na ako magtapos ng highschool. Magcocollege na ako next school year. Ang bilis ng panahon. Mag-gagraduate na ako after 3 months time.

Kararaan ko lang sa napakadaming bagyo at pagsubok. Isa na ruon ang pagkuha ng UPCAT. Madali lang kung tutuusin. Kulang lang talaga sa oras. Kaya naprepressure at hindi nakakasagot ng matino. Ang ginawa ko nalang eh magshade ng kahit anong circle tas pinasa ko na.

Bukas naman, USTET kukunin ko. Wala akong napag-aralan. Kasalanan ko rin naman kung hindi ako makapasa diba? Pero hindi ko talaga kasi alam kung anu ang pag-aaralan. Wala akong ideya. Kaya hihintayin ko nalang ang bukas na dumating at magdadasal nalang ako sa Diyos na sana makapasa ako. 

At hayy naku, isa pa tong mga magulang. Iniisip ang kanilang kahihiyan kapag hindi ako nakapasa. Kasalanan ko parin ba yon? Kung yun ang kaya ko, bakit hindi nila tanggapin. Nag-eexpect na naman sila. At eto naman ako nababagabag sa mangyayari. Ayoko sila ma-disappoint pero higit sa lahat ayaw ko namang ma-disappoint sarili ko. First section ako, hindi sa pagmamayabang. Pero nakarating ako dun dahil mahilig ako mag-recite at ma-vocal ako. Pagdating sa written, loser ako. Kaya kinakabahan ako. Ano na lamang gagawin ko? 

Hayy. Sana lang talaga makapasa ako dito. Dahil yung UPCAT at USTET lang kinuhanan ko ng exam. Kung hindi pa ako makapasa, san na lang ako pupulutin. Hayy, Hakuna Matata nalang.

You May Also Like

0 comments